Panahon, Memorya, at Pagnanasa sa Tamwa ni Ronnie Granja
John E. Barrios Ang karanasan ang karaniwang nagiging paksa ng pagpipinta gamit ang estilo ng ekspresyonista. Dito lubhang napakahalaga ng ipinintang mukha at katawan at kung paano ang mga ito ‘nakikipag-usap’ sa kaligiran ng painting—sa kaso ni Ronnie Granja, sa kanyang ikatatlong solo show na Tamwa (Hunyo 17 – Hulyo 17 sa Puluy-an Art Gallery), ang boarding house noong panahong hindi pa uso ang teknolohiya ng social media at hindi pa malakas ang feminismo. Ang pagbabalik sa nakaraan ay nagiging posible gamit ang memorya. Ang memorya ay masasabing ang hindi kumpletong paglalarawan ng nakaraan. Maliban sa kakulangan ng detalye, pinipili lamang ng isipan ang mga bahaging mayroong ‘mahalagang ambag’ sa paghubog ng naratibo. Sa kaso ni Granja, ang naratibo ng isang binata at estudyanteng nagkaroon ng bahagi sa espasyo ng boarding house. Ginamit ni Granja ang talinghaga (trope) ng binata at ang kamalayan ng binata (na maaaring siya rin) para balikan ang nakaraan at espasyo ng board