Ang Pangako ng Moderno sa Eksibit na “12”
John E. Barrios Sinabi ng historyador at pilosopong si Michel Foucault na ang ‘moderno’ ay isang atityud na nagbibigay-halaga sa lohikal, rasyunal, at siyentipikong pananaw sa mundo. Sa kasaysayan ng art sa Pilipinas, ang salitang ‘moderno’ ay unang ikinabit sa painting na “The Builders” (1928) ni Victorio Edades, na siyang tumumba sa lahat ng may kinalaman sa ‘tradisyonal’ na art lalo na yaong impluwensiyado ni Fernando Amorsolo. (Isang penomena na maituturing na alingawngaw ng nangyari sa Europa nang isinapubliko ni Picasso ang kanyang “Les Demoiselles D’Avignon” noong 1907.) Ang tagumpay na ito ng ‘moderno’ kontra sa ‘tradisyonal’ ay siyang nag-akda ng hinaharap ng art sa isang bansang sa kasalukuyan ay maituturing na sabayan ang hindi patas na presensiya ng kulturang agrikultural, industriyalisadong kalungsuran, at umuusbong na maimpluwensiyang information-technology. Sa ganitong konteksto maipoposisyon ang art exhibit ng 12 batang artist na tinipon ng abstract artist at curat