Lohika ng Bilis at Tukso ng Detalye
John E. Barrios Tulad ng sa karaniwang maunlad na lungsod, ang street art sa Iloilo City ay unti-unti nang nagiging ordinaryong tanawin. Patunay dito ang pagpipinta ng mural sa dalawang flyover sa Gen. Luna Street, ng over-pass sa Diversion Road, ng Drilon Bridge at iba pang istruktura sa iba’t ibang lokasyon sa lungsod na maaaring makita ng mga bumibiyahe at naglalakad sa nabanggit na mga kalye. Ang isang street mural ay maituturing na ‘temporaryo’ at epemeral; maaari itong mabura o kumupas ang pintura sa paglipas ng mga taon. Nagiging ‘permanente’ lamang ito kapag nakuhanan ng larawan at naiprint o di kaya’y nai-post sa isang website at naibahagi sa iba’t ibang account sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang mga street mural sa ilalim ng 316 metro flyover sa Gen. Luna Street na ginawa ng mga miyembro ng Baysulangpu Artists Society halimbawa ay hindi lang makikita sa aktuwal na kalye ngunit mada-download rin sa mga website ng Philippine Daily Inquirer, Panay News, Daily Guardian, at ng