Paghahanap ng Identidad sa Pikas sa Usa ka Dagat
John E. Barrios Naalala ko pa ang mungkahi ng National Artist for Literature na si Virgilio Almario sa isang forum sa Iloilo na dapat gamitin natin ang letrang ‘B’ imbis na letrang ‘V’ para sa salitang ‘Bisayas.’ Ito ay sa dahilang ang letrang ito ay katutubo at hindi hiram sa Espanyol. Samantala, sa mala-etnograpikong mga tala ni Fray Francisco Alcina sa History of the Bisayan Island (1668) tinawag niyang ‘Bisaya’ ang mga katutubong nakatira sa nakakalat na mga isla sa rehiyon ng Kabisayaan. Ang dalawang pananaw na ito ay maaaring bigyang liwanag sa eksibit na Pikas sa Usa ka Dagat na makikita sa UP Museum of Arts and Cultural Heritage (Agosto 31 – Setyembre 30, 2023). Ang nasabing eksibit ay nilahukan ng tatlong beteranong artist na sina PG Zoluaga (Iloilo), Javy Villacin (Cebu at Capiz), at Raymund Fernandez (Cebu at Bohol); lahat may claim ng pagiging ‘Bisaya.’ Si Zoluaga ay lumaki at nagpraktis ng kanyang art sa Iloilo; si Villacin ay ipinanganak sa Capiz ngunit tumira at na