Ang Yawa sa Maikling Tula-pelikulang Paghahanap Kay Nagmalitong Yawa
Cherry-Mae F. Cartojano at Jessa Micha C. Montanejos Ang babaeng hinahanap sa maikling tula-pelikula na Paghahanap kay Nagmalitong Yawa (direktor, John Barrios; produksiyon ng CCP at UPV, 2021) ay isang karakter sa epikong Hinilawod na itinuring na pinakamahabang epiko sa Panay. Nagsimula ang tula-pelikula sa paghahanap ni Humadapnon kay Nagmalitong Yawa sa kasalukuyang panahon, kasagsagan ng pandemya ng Covid 19, may suot na face mask ang mga taong nakakasalubong, at pinagtatanungan ng: “ Nakita mo bala si Nagmalitong Yawa? ” Sa isang eksena, tanging ang salitang ‘ yawa’ ang umalingawngaw sa pandinig ng isang lalaking napagtanungan. Negatibo ang pagtanggap ng lalaki sa tanong ni Humadapnon. Sa wikang Hiligaynon, sa kasalukuyan, kapag sinabihan kang yawa , ang ibig-sabihin ay isa kang demonyo. Ngunit noon, ang salitang ito ay tumutumbok sa kagandahan at katatagan ng isang babae. Nagpatuloy sa paglalakbay si Humadapnon hanggang siya’y napadako sa ‘ Tarangb