Hindi lang basta eksibit: Ilang Tala mula sa Panagbo: Encounters with Tradition
John E. Barrios Hindi lang basta nakakabit na mga painting sa dingding ng gallery ang isang eksibit. Ang nakasanayang konsepto na ito ay nagtatanghal sa mga artwork ng kanilang supremasiya. Binubura ng gawaing ito ang isang mahalagang konsepto ng paglikha—ang proseso. Kaya nga’t kahanga-hanga ang ginawa ni Marika Constantino, ang curator ng eksibit na Panagbo: Encounters with Tradition , na mapapanood sa Hulot Gallery ng Iloilo Museum of Contemporary Arts (Setyembre 4 – Oktubre 21, 2022), dahil kinuwestyon niya ang konseptong ito sa pamamagitan ng paglalantad ng mga ‘nakatagong’ aspekto ng produksiyon ng artwork. Narito ang aking mga tala (notes) tungkol sa eksibit: 1. Maituturing na arkeolohikal (gumamit ng teorya ng archeology) ang eksibit dahil sa ‘paghukay’ ng mga kaalaman na ‘nakabaon’ na sa ating sinaunang tradisyon. Ang paggawa ng uga ay maituturing na isa nang kultural at teknolohikal na praktis bago pa man dumating ang mga kolonisador na Kastila. Hindi lang ito simbolo ng