Estilo, Estetika, at Kasaysayan sa Hublag 2022
John E. Barrios Ang art ay determinado ng kasaysayan. Iniaakda ng kasaysayan ang art ayon sa pangangailangan ng panahon. At ito marahil ang dahilan kung bakit ang isang festival tulad ng Hublag: Ilonggo Arts Festival, na namayagpag ng siyam na taon (1988-1996) sa Iloilo, ay ngayon lang muling lumitaw (at sa panahon pa ng pandemya) bilang Hublag 2022 (Marso 12 – April 12, 2022 sa Museo Iloilo) . Hindi na nga ito pinangalanan bilang ‘festival’, ito ay naging isang parang reunion eksibit na lamang ng mga artist na lumahok sa naunang festival. Ang Hublag 2022 ay nilahukan ng 33 Ilonggo artist. Walang tema ang eksibit kung kayat makikita ang pagkakaiba-iba ng estilo at estetika ng mga nakadisplay na mga artwork. Wala ring malinaw na naratibo na nais igiit ang eksibit maliban sa pahiwatig na ‘naritito pa’ ang Hublag . Ang salitang Hiligaynon na ‘hublag’ ay nangangahulugan ng ‘tulong-tulong na pagsasama’ para sa isang ‘ninanais na adhikain’. Kapag ginamit sa art, maaari itong manga