Ang Postmoderno sa Yuhom More (Humor) ni JZ Tilos
John E. Barrios Ang konsepto ng postmodern ay lumitaw dahil hindi na kayang bigyang-pangalan, ikahon, at ikategorya ang mga lumitaw na anyo ng art na ‘humihiram’ ng anyo—pati ng nilalaman—sa mga naunang modernong mga estetika. Sa teoretikal na pananalita, binansagang ‘hybrid’ ang mga ganitong anyo at ‘pastiche’ naman bilang estilo. Hindi lang ito simpleng pagsama-sama ng mga elemento mula sa nakaraan ngunit ito ay masaya at nakatutuwang paghahalo-halo ng mga elemento mula sa iba’t ibang espasyo at panahon para iselebra ang kawalan ng ‘sentro’ o ‘mapanghakop na kaalaman.’ Masasabing ang postmoderno ay may ‘romantikong relasyon’ din sa premodern at animistang mundo. Hindi ito nakapagtataka sa mga imahen ng masanga at nakatatakot na mga puno, dugtong-dugtong na baging, at mga bahay ng mga engkanto sa mga paintings. May layunin ang postmoderno na itanghal ang supernatural at gawin itong ‘kapani-paniwala.’ Dito maihahanay ang mga bagong paintings ni JZ Tilos sa eksibit na Yuhom More