Posts

Showing posts from April, 2023

Sa pagitan ng nude at p_rn, mga posibilidad sa proyekto ni Job Hablo

Image
 John E. Barrios   Hindi maikakaila ang patuloy pa ring debate sa ‘tamang’ depiksiyon ng katawan ng babae (o lalaki man, ngunit higit sa babae) sa iba’t ibang anyo ng art ngunit partikular na sa painting. Sa kasalukuyan ay mahirap nang ipakita ang katawan ng babae na hindi kinokonsidera ang magiging opinyon ng kababaihan, lalo na yaong mga mulat na nakikipaglaban sa karapatan at pagkilala sa identidad ng pagiging babae. Ang binuksang eksibit na Por no graphi x (nakakulay pula ang ‘no’ at ‘x’) ni Job Hablo sa Mamusa Gallery noong Marso 22, 2023 ay isang maituturing na pagkakataon para maisadiskurso ang usapin ng paggamit ng katawan ng babae (at lalaki) at maiakda ang mga posibilidad ng iba pang pagpapakahulugan. Kung paniniwalaan ang sinasabi ng pamagat, lalo na ang mga salita/letra na nakapula, ang eksibisyon ay ‘hindi malaswa’ at walang hangaring ‘bastusin’ ang pag-iisip ng manonood. Nais kong ihaka na sinikap gawin ito ng artist sa dalawang paraan: una, sa paglalantad ng kan