Ang Tulok (Gaze) sa Muaks at Kinaiya Art Exhibit
John E. Barrios Ang tulok ( gaze ) ay hindi lang isang gawaing naglalarawan ng matagalang pagtingin sa isang bagay o objek; ito rin ay isang gawaing naglalantad ng laro ng gahum o kapangyarihan. Mayroong mga tulok na nagtatakda ng posisyon ng lahi, dominasyon ng dominanteng uri, at subersiyon ng kasarian. Sa dalawang art exhibit, ang Muaks ni Oman Gaitana at Kinaiya ni Frank Nobleza sa Puluy-an Art Gallery (Pebreo 18 – Marso 18, 2023), kapansin-pansin ang pagiging dominante at lantad ng ‘tulok’ bilang talinghaga (trope) ng kanilang mga artwork. Mababasa ito sa paggamit ng dalawang artist ng mata bilang elementong palaging naroroon (kung minsan wala) sa mga paintings. Sa kanilang pinagsamang paintings na may pamagat na “Landong” (Anino) maihahaka ang konsepto ng tulok. Sa painting ni Nobleza ay makikita ang nakatalikod na malaking outline (dahil sa paggamit ng perspektiba) ng pigura ng tao na nakatingin sa isang maliit at malayong pigura ng isa pang tao. Hindi nakikita ang kanil