Kaisahan at Kabatiran sa art eksibit na Damgo ng Tagatig
John E. Barrios Ang konseptualisasyon ng isang art eksibit ay karaniwang nagsisimula sa tema. Mula sa tema ay maaari itong bumaba sa mas partikular na paksa. Sa kaso ng art eksibit ng Tagatig: Tigbauan Artist Hub, na nagbukas noong Oktubre 15 sa Sol Y Mar Beach Resort sa Tigbauan, ang tema ay nakapaloob sa ‘Disenyo Tigbaueño 3.0’ at ang paksa (na siya ring pamagat) ay ‘Damgo.’ Ang ‘paksa’ ay ang siyang ‘pinag-uusapan’ sa isang komunikatibong transaksiyon, sa kasong ito, ang paksa ng eksibit. At sa isang usapan ay natural lamang na hanapin at pag-usapan ang paksa. Kung titingnan ang kahulugan ng damgo (dream) sa diksiyonaryo, ito ay maaring maging “mga idea, imahen, at sensasyong nararamdaman at nakikita habang natutulog” o maaari ring maging “mga adhika, ambisyon, pangarap, o ideal” na nais makamit sa hinaharap. Sa kaso ng eksibit, maaari ring idagdag rito ang kolektibong adhikain ng grupo na makapagdaos ng isang gawain tulad ng eksibit. O ng isang indibidwal na makapagsabit ng kan