Paghahanap ng Identidad sa Sugilanon: A Group Art Exhibit
John E. Barrios Isa sa mga pangunahing isyu sa mga batang artist ang paghahanap ng identidad. Karaniwan ang paghahanap na ito ay naiiugnay sa sexualidad. Ngunit sa kaso ng art exhibit na Sugilanon: A Group Art Exhibit , na nilahukan ng anim na batang Ilonggo artist sa Book Latté Alternative Art Space, ito ay maaaring iangat pa sa usapin at diskurso ng sikolohiya, lahi, sexismo, uri, at kasarian. Ang tema ng eksibit na “sugilanon” ay naikakabit sa “kuwento,” “usapan,” at “talakayan.” Sa tradisyon ng Panayanon, naging kuwento ito dahil sa “sugidanon,” isang panitikang oral na nagbigay-hugis sa isang gawaing pampanitikan, ang pagkukuwento. Ginamit rin ng mga Panay Bukidnon ang salita para sa sosyal at politikal na layunin—ang “sugilanonay” para ayusin at resolbahin ang hindi pagkakaintindihan at away sa dalawang panig. Subalit ang mga konseptong ito ay maaaring ituring na latak o trace na lamang sa mga artwork dahil sa ating edukasyong kolonyal. Kayat ang mainam na gawin para ang m