Tulog, Gising, at Mulat na artworks sa Bloom 2.0
John E. Barrios Ang art ay hindi estatiko. Palagian itong nagbabago. At karaniwan, umaayon ang pagbabago nito sa pagbabago din ng panahon. Kaugnay nitong mga pahayag, ang art exhibit ng Himbon sa SM City Mandurriao na pinamagatang Bloom 2.0 (May 16-29, 2022) ay isang pagkakataon para mataya ang estado ng art ng mga Ilonggo. Susubukan kong ‘basahin’ ang mga artworks sa pamamagitan ng paggamit ng metodo ni Isagani Cruz, isang kritiko, na nagmungkahi na maaaring matukoy ang halaga ng isang akda o artwork sa pamamagitan ng paghahati sa anyo ( form ) at nilalalaman ( content ) at pagtukoy kung ang mga ito ay tulog (walang pagbabago), gising (may pagkilala sa pagbabago), at mulat (may adbokasiya para sa kinikilalang pagbabago). Dahil ang paksa ay ‘bulaklak’, maaaring bigyang-pakahulugan ito sa pagiging literal at metaporikal ng bulaklak, denotatibo at konotatibo, pagiging simbolo at pagiging sagisag, repleksiyon at representasyon ng realidad, at bilang teksto na may hatak-hatak na