Ang Pinagmulan at Patutungohan sa Junk Art
John E. Barrios Sa art, masasabing ang materyal ( medium ) at ang kahulugan ( meaning ) ay hindi magkahiwalay. Interkonektado ang dalawang ito sa kumplikadong linya ng pinagmulan at patutunguhan. Ito ang isa sa mga nais patunayan ng eksibit ng mga iskultura sa metal, plastik, kahoy, at botelya ni Boy Masculino na pinamagatang Tigbaylo (Pebrero 16 – Marso 24, 2023) sa Lantip Gallery 1 ng UPV Museum of Art and Cultural History. Ang paggamit ng materyal na ‘naririyan lang sa paligid’ para lumikha ng art ay pinatunayan ng kasaysayan ng iskultura. Ang mga sinaunang iskultor ay gumamit ng bato, buto ng hayop, at kahoy para sa paglikha ng iskultura. Ang mga materyal na ito ay nasa paligid lamang nila. Ngayon, ang ibang mga ‘naririyan lang sa paligid’ na mga materyal ay tinatawag nang ‘basura’ ( junk ) tulad ng metal at plastik. Binansagang ‘junk art’ ang mga artwork na gawa sa mga itinapong metal at plastik. Ang mga materyal na ‘naririyan lang sa paligid’ na ginamit ni Masculino ay ka