Art, Agency, at ang Art Exhibit na La-um
John E. Barrios Binuksan ng UPV ang eksibit na La-um: An Art Exhibition for the Benefit of One UPV Scholars noong Agosto 10, 2022 (nagtapos noong Agosto 30) sa isa sa mga galleries nito (Lantip Gallery 1) para mag-ipon ng pondo para sa One UPV Scholarship fund na pinasimulan ng One UPV Foundation (USA) Inc. noong 2016 at nakapagtala ng 80 iskolar na natulungan sa kanilang pag-aaral sa halagang 2 Milyong piso. Ang nasabing eksibit ay gin-curate ni Martin Genodepa. Mahigit 12 artist ang lumahok sa on-site na eksibit. (May on-line version ang eksibit na may mga artist na hindi kasama sa on-site na eksibit na maaaring makita sa https://www.facebook.com/oneupvusa .) Ngunit dahil ang layunin ng eksibit ay ang makapangalap ng pondo, interes ng kritikang ito na basahin ang mga nabentang artworks at alamin kung ano ang ‘mayroon’ sa mga ito ayon sa pananaw ng antropolohiya, partikular ang konsepto ng ‘agency’ ni Alfred Gell. Sa kabuuang 27 nakakabit na mga painting, 9 sa mga ito ang nabe