Posts

Baryo Bilang Lunan ng Kaalaman: Epistemolohikal na Topograpiya sa Maikling Pelikulang “Sa Taguangkan sang Duta”

Image
 John E. Barrios   Bilang maikling pelikulang nagsasadiskurso ng dalawang magkabilaang espasyo—ng syudad at baryo—ang Sa Taguangkan sang Duta ay may malinaw na mensahe sa manonood: ang baryo ang lunan ng kaligayahan at kasaganaan. Mababasa ito sa ipinakitang kaibahan ng dalawang espasyo, ng paglisan at paglimot, at pagtatanghal ng kapangyarihan ng alaala ng nakaraan. Mula sa direksiyon ni Emmanuel Lerona, at hango sa Palanca-winning short story ni Alice Tan-Gonzales, at prodyuser na si Julie Prescott-Gonzales, ang adaptasyon ng kuwento para gawing maikling pelikula ay isang proyektong nagsumikap na isadiskurso ang tunggalian ng espasyo—ng syudad at baryo. Sa pagbubukas ng pelikula ay ipinakita ang unang espasyo, ang syudad ng Iloilo, bilang magulo at kailangang linisin at lisanin. Magbubukas ang pelikula sa paglilinis. Ipapasok ni Elena (Alyanna Cortum), isang gurong hindi nabigyan ng permanenteng posisyon (sa orihinal na bersyon siya ay alahera na hindi nabigyan ng promosyon),

Paghahanap ng Identidad sa Pikas sa Usa ka Dagat

Image
 John E. Barrios Naalala ko pa ang mungkahi ng National Artist for Literature na si Virgilio Almario sa isang forum sa Iloilo na dapat gamitin natin ang letrang ‘B’ imbis na letrang ‘V’ para sa salitang ‘Bisayas.’ Ito ay sa dahilang ang letrang ito ay katutubo at hindi hiram sa Espanyol. Samantala, sa mala-etnograpikong mga tala ni Fray Francisco Alcina sa History of the Bisayan Island (1668) tinawag niyang ‘Bisaya’ ang mga katutubong nakatira sa nakakalat na mga isla sa rehiyon ng Kabisayaan. Ang dalawang pananaw na ito ay maaaring bigyang liwanag sa eksibit na Pikas sa Usa ka Dagat na makikita sa UP Museum of Arts and Cultural Heritage (Agosto 31 – Setyembre 30, 2023). Ang nasabing eksibit ay nilahukan ng tatlong beteranong artist na sina PG Zoluaga (Iloilo), Javy Villacin (Cebu at Capiz), at Raymund Fernandez (Cebu at Bohol); lahat may claim ng pagiging ‘Bisaya.’ Si Zoluaga ay lumaki at nagpraktis ng kanyang art sa Iloilo; si Villacin ay ipinanganak sa Capiz ngunit tumira at na

Panahon, Memorya, at Pagnanasa sa Tamwa ni Ronnie Granja

Image
 John E. Barrios Ang karanasan ang karaniwang nagiging paksa ng pagpipinta gamit ang estilo ng ekspresyonista. Dito lubhang napakahalaga ng ipinintang mukha at katawan at kung paano ang mga ito ‘nakikipag-usap’ sa kaligiran ng painting—sa kaso ni Ronnie Granja, sa kanyang ikatatlong solo show na Tamwa (Hunyo 17 – Hulyo 17 sa Puluy-an Art Gallery), ang boarding house noong panahong hindi pa uso ang teknolohiya ng social media at hindi pa malakas ang feminismo. Ang pagbabalik sa nakaraan ay nagiging posible gamit ang memorya. Ang memorya ay masasabing ang hindi kumpletong paglalarawan ng nakaraan. Maliban sa kakulangan ng detalye, pinipili lamang ng isipan ang mga bahaging mayroong ‘mahalagang ambag’ sa paghubog ng naratibo. Sa kaso ni Granja, ang naratibo ng isang binata at estudyanteng nagkaroon ng bahagi sa espasyo ng boarding house. Ginamit ni Granja ang talinghaga (trope) ng binata at ang kamalayan ng binata (na maaaring siya rin) para balikan ang nakaraan at espasyo ng board

Sand sculpture bilang (public) art

Image
 John E. Barrios   Ang pagkakaroon ng buhangin ay maituturing na biyaya sa mga sand artist. Pero ang pagkakaroon ng maputi at mapinong buhangin ay maituturing na dobleng biyaya dahil ang materyal na ito ay siyang dahilan kung bakit dinadayo ng maraming turista ang isla ng Boracay. At itong buhangin ring ito na ginawang sand sculpture ng mga artist ng Boracay ang naging agaw-pansin sa mga turista noong mga taon bago pa dumating ang Covid 19 pandemic. Ngunit hindi na ngayon. Kahit halos pabalik na sa normal na buhay ang sikat na isla. Wala nang makikitang sand sculptures sa puting baybayin ng Boracay tuwing hapon dahil ipinagbawal na ng lokal na pamahalaan ng isla. Maliban na lamang kung mayroong mga espesyal na okasyon at pagkakataon na naiimbitahan ang mga artist na gumawa nito o makakuha sila ng permit na nagkakahalaga P2,500.00 (ayon sa isang artist) na para lamang sa loob ng isang araw. Makikita na lamang sila sa hilaga at mabatong dulo ng isla at kung saan kakaunti ang nakarara

Sa pagitan ng nude at p_rn, mga posibilidad sa proyekto ni Job Hablo

Image
 John E. Barrios   Hindi maikakaila ang patuloy pa ring debate sa ‘tamang’ depiksiyon ng katawan ng babae (o lalaki man, ngunit higit sa babae) sa iba’t ibang anyo ng art ngunit partikular na sa painting. Sa kasalukuyan ay mahirap nang ipakita ang katawan ng babae na hindi kinokonsidera ang magiging opinyon ng kababaihan, lalo na yaong mga mulat na nakikipaglaban sa karapatan at pagkilala sa identidad ng pagiging babae. Ang binuksang eksibit na Por no graphi x (nakakulay pula ang ‘no’ at ‘x’) ni Job Hablo sa Mamusa Gallery noong Marso 22, 2023 ay isang maituturing na pagkakataon para maisadiskurso ang usapin ng paggamit ng katawan ng babae (at lalaki) at maiakda ang mga posibilidad ng iba pang pagpapakahulugan. Kung paniniwalaan ang sinasabi ng pamagat, lalo na ang mga salita/letra na nakapula, ang eksibisyon ay ‘hindi malaswa’ at walang hangaring ‘bastusin’ ang pag-iisip ng manonood. Nais kong ihaka na sinikap gawin ito ng artist sa dalawang paraan: una, sa paglalantad ng kan

Ang Tulok (Gaze) sa Muaks at Kinaiya Art Exhibit

Image
 John E. Barrios Ang tulok ( gaze ) ay hindi lang isang gawaing naglalarawan ng matagalang pagtingin sa isang bagay o objek; ito rin ay isang gawaing naglalantad ng laro ng gahum o kapangyarihan. Mayroong mga tulok na nagtatakda ng posisyon ng lahi, dominasyon ng dominanteng uri, at subersiyon ng kasarian.  Sa dalawang art exhibit, ang Muaks ni Oman Gaitana at Kinaiya ni Frank Nobleza sa Puluy-an Art Gallery (Pebreo 18 – Marso 18, 2023), kapansin-pansin ang pagiging dominante at lantad ng ‘tulok’ bilang talinghaga (trope) ng kanilang mga artwork. Mababasa ito sa paggamit ng dalawang artist ng mata bilang elementong palaging naroroon (kung minsan wala) sa mga paintings. Sa kanilang pinagsamang paintings na may pamagat na “Landong” (Anino) maihahaka ang konsepto ng tulok. Sa painting ni Nobleza ay makikita ang nakatalikod na malaking outline (dahil sa paggamit ng perspektiba) ng pigura ng tao na nakatingin sa isang maliit at malayong pigura ng isa pang tao. Hindi nakikita ang kanil

Ang Pinagmulan at Patutungohan sa Junk Art

Image
 John E. Barrios Sa art, masasabing ang materyal ( medium ) at ang kahulugan ( meaning ) ay hindi magkahiwalay. Interkonektado ang dalawang ito sa kumplikadong linya ng pinagmulan at patutunguhan. Ito ang isa sa mga nais patunayan ng eksibit ng mga iskultura sa metal, plastik, kahoy, at botelya ni Boy Masculino na pinamagatang Tigbaylo (Pebrero 16 – Marso 24, 2023) sa Lantip Gallery 1 ng UPV Museum of Art and Cultural History. Ang paggamit ng materyal na ‘naririyan lang sa paligid’ para lumikha ng art ay pinatunayan ng kasaysayan ng iskultura. Ang mga sinaunang iskultor ay gumamit ng bato, buto ng hayop, at kahoy para sa paglikha ng iskultura. Ang mga materyal na ito ay nasa paligid lamang nila. Ngayon, ang ibang mga ‘naririyan lang sa paligid’ na mga materyal ay tinatawag nang ‘basura’ ( junk ) tulad ng metal at plastik. Binansagang ‘junk art’ ang mga artwork na gawa sa mga itinapong metal at plastik. Ang mga materyal na ‘naririyan lang sa paligid’ na ginamit ni Masculino ay ka